Mga Gabay sa Kaligtasan para sa mga Magulang
Ano ang Snapchat?
Ang Snapchat ay isang serbisyo ng komunikasyon na dinisenyo para sa mga taong may edad 13 pataas. Ito ay sikat sa mga tinedyer at young adult, na pangunahing ginagamit ito para makipag-usap sa kanilang malalapit na friends, katulad ng mga paraan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa personal.
Mga Proteksyon para sa mga Tinedyer sa Snapchat
Nag-aalok kami ng mga karagdagang proteksyon sa mga tinedyer sa Snapchat para makatulong na mapanatili ang focus sa pagkonekta sa malalapit na friends, pagpigil sa hindi gustong pakikipag-ugnayan mula sa mga estranghero, at pagbibigay ng naaangkop sa edad na karanasan sa content.
Tungkol sa Family Center ng Snapchat
Isinasaalang-alang namin ang responsibilidad naming tumulong na protektahan ang mga tinedyer sa Snapchat nang napakaseryoso. Bilang bahagi nito, binibigyan namin ang mga magulang ng mga in-app tool ng kaligtasan at mapagkukunan para matulungan ang kanilang mga tinedyer na gamitin ang Snapchat nang ligtas.