Pakikipag-ugnayan sa Content mula sa mga Tunay na Kaibigan:
Ang mga mas nakatatandang teen (edad 16-17) ay maaaring makatanggap ng mga reply sa Story sa kanilang mga pampublikong Story mula sa mga nag-follow sa kanila, ngunit hindi maaaring makisali sa mga direktang pag-uusap sa Chat mula sa mga reply na iyon. Ang mga reply ay sinasala bago makarating sa mga creator sa Snapchat – at mas mahigpit pa ang pagsasalang iyon para sa mga mas nakatatandang teen na may mga Public Profile. Ang mga Snapchatter ay may opsyon pa na i-off nang tuluyan ang mga reply, o i-block ang iba't ibang termino para matulungan silang mapanatiling magalang at masaya ang mga interaksyon. At para mapanatiling ligtas ang mga teen, kami aygumawa ng mga karagdagang hakbangupang maiwasan ang pampublikong content na humantong sa mga hindi gustong chat mula sa mga adult na hindi bahagi ng kasalukuyang network ng mga kaibigan ng teen.
Limitadong Distribusyon ng Pampublikong Content ng Teen:
Ang mga pampublikong Story na nai-post ng mga mas nakatatandang teen ay inirerekomenda lamang sa mga Snapchatter na kaibigan o follower na nila at sa iba pang Snapchatter na mayroon silang mga mutual na kaibigan. Ang mga pampublikong Story na ito ay hindi ipinamamahagi sa mas malawak na komunidad, kabilang ang hindi pagsasama sa seksyon ng aming app kung saan nakakahanap ang mga Snapchatter ng personalized na karanasan sa panonood na may content na may kaugnayan sa kanila.
Pagkamalikhain Kaysa sa mga Social Comparison Metric:
Hindi makikita ng mga Teen Snapchatter kung gaano karaming tao ang "nag-favorite" sa kanilang mga Story o Spotlight, na nagpapanatili ng pokus sa pagkamalikhain kaysa sa pressure na mangolekta ng mga pampublikong sukatan ng pag-apruba.
Proactive na Pagsusuri ng Content:
Nauunawaan namin na maaaring kailanganin ng mga mas nakatatandang teen ang isang panimula sa mgaMga Alituntunin sa Content, at gusto naming protektahan ang mga Snapchatter mula sa pag-post ng isang bagay na maaaring hindi nila napag-isipang mabuti. Proactively naming mino-moderate ang mga video sa Spotlight gamit ang pagsusuri ng tao at machine para subukang i-moderate ang ganitong uri ng content bago ito mairekomenda nang malawakan.
Advertising na Angkop sa Edad:
Ang mga ad sa Snapchat ay sumasailalim sapagsusuri na partikular sa kategorya at lokasyonupang matukoy at paghigpitan ang mga ad na lumalabag sa aming mga patakaran sa ad, at may mga karagdagang paghihigpit na nalalapat sa parehong content at pag-target ng mga ad para sa mga teen. Halimbawa, mayroon kaming mga paghihigpit upang maiwasan ang mga ad para sa pagsusugal o alak na maipakita sa mga wala pa sa legal na edad sa kanilang hurisdiksyon. Nagbibigay kami ng karagdagang impormasyon na partikular sa aming mga kasanayan sa advertisingdito.