Ano ang Snapchat?

Ang Snapchat ay isang 13+ na platform na nag-aalok sa mga tao ng ibang paraan para makipag-ugnayan – para ibahagi ang sandali, sa sandaling iyon, at para tulungan ang mga tao na maramdamang magkakasama sila kahit na pisikal silang magkalayo. Ang Snapchat ay naging isa sa pinakamalaki at pinakasikat na platform ng komunikasyon sa mundo batay sa paniniwala na maaakit ang mga tao sa isang serbisyo na nakatuon sa paglalapit sa kanila sa kanilang mga kaibigan at pamilya.