Snapchat 101

Ang Snapchat ay serbisyo sa komunikasyong idinisenyo para sa mga taong edad 13 pataas. Napakasikat nito sa mga tinedyer at young adult, na pangunahing ginagamit ito para makipag-usap sa kanilang malalapit na friends, katulad ng mga paraan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa totoong buhay. Katulad ito ng kung paano ginagamit ng mga naunang henerasyon ang text messaging o ang kanilang telepono para manatiling nakikipag-ugnayan sa friends at pamilya. Kung hindi ka gumagamit ng Snapchat, narito ang isang pagsulyap sa kung paano gumagana ang app

Ang Mga Basic

Ang layunin namin ay magbigay ng maganda at ligtas na karanasan, at sadya naming idinisenyo ang Snapchat nang naiiba mula sa social media. Hindi nagbubukas ang Snapchat sa pampublikong feed ng balita na pinapagana ng algorithm na may mga like at komento. Sa halip, bubukas ang app sa camera at may limang tab: Camera, Chat, Map, Stories, at Spotlight. Tingnan ang video na ito para alamin pa:

Snapchat, Ipinaliwanag

Paano Gumagana ang Messaging sa Snapchat

Binubura bilang default ang mga pag-uusap sa Snapchat para ipakita ang mga pag-uusap sa totoong buhay. Bago ang social media, ang aming masasaya, kusang-loob, at kalokohang pakikipag-ugnayan sa friends ay nabubuhay lang sa aming memories! Idinisenyo ang Snapchat para i-mirror ang dynamic na iyon, para matulungan ang mga taong maging kumportableng ipahayag ang kanilang mga sarili nang hindi nakakaramdam ng panggigipit o paghusga.

Mahalagang malamang kahit binura bilang default ang mga pag-uusap sa Snapchat, pwede naming panatilihin ang data habang nire-review namin ang mga report ng mapaminsalang content mula sa mga tinedyer at magulang. Minsan, kabilang dito ang pag-refer ng insidente sa pagpapatupad ng batas. Kung sakaling gusto ng mga awtoridad na mag-follow up, pananatilihin namin ang data na ito para sa mas mahabang panahon, at nakikipagtulungan kami sa pagpapatupad ng batas para tumulong na dalhin ang mga nagkasala sa hustisya.

Nakatutulong na malaman! Maaaring burahin bilang default ang Mga Snap at Chat bilang, pero pwedeng i-screen ng sinuman ang anumang bagay mula sa screen ng computer o phone nang walang pahintulot ng tao. Tulad ng pagbabahagi ng anumang bagay online, mahalagang maging maingat sa tungkol sa paghiling o pagpapadala sa sinuman - kahit na partner o malapit na friend - pribado o sensitibong mga larawan at impormasyon.

Community Guidelines

Mayroon kaming malinaw na set ng Community Guidelines para tulungan ang Mga Snapchatter na gamitin ang mga serbisyo namin nang ligtas. Ipinagbabawal ng mga tuntuning ito ang iligal at potensyal na nakakapinsalang content at pag-uugali tulad ng sekswal na pagsasamantala, pornograpiya, pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot, karahasan, pananakit sa sarili, at maling impormasyon. Naglalapat kami ng karagdagang moderation sa aming platforms ng pampublikong content mnamin, Stories at Spotlight, para pigilan ang content na lumalabag sa mga tuntunin naming maabot ang isang malaking madla.

Para ipatupad laban sa mga paglabag sa ating Community Guidelines at maiwasan ang anumang mga potensyal na panganib, ginagamit namin ang parehong maagap na tool sa pag-detect at mga ulat mula sa Mga Snapchatter, mga magulang, at tagapagpatupad ng batas.  Mayroon kaming 24/7 na pandaigdigang Trust & Safety team na nag-iimbestiga sa mga ulat na ito at, kadalasan, kumikilos sila sa loob ng isang oras para maipatupad ang mga pamantayan sa kaligtasan ng Snapchat. Maaaring kabilang doon ang pagbabala sa mga gumagamit, pag-aalis ng content, pag-ban sa account, at pag-escalate ng report sa tagapagpatupad ng batas.

Mga Pananggalang para sa mga Tinedyer

Tingnan kung paano kami nakakatulong na panatilihing ligtas ang mga kabataan sa Snapchat.